Mateo 5:13-14
Kayo ay Asin at Ilaw
13Kayo ang asin ng lupa. Ngunit kapag ang asin ay nawalan ng alat, paano pa ito muling aalat? Wala itong kabuluhan kundi itapon na lamang at yurakan ng mga tao.
14Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago. 15Hindi rin sinisindihan ng sinuman ang ilawan upang ilagay sa ilalim ng takalan. Ngunit ito ay inilalagay sa lalagyan ng ilawan at nagliliwanag sa lahat ng nasa bahay. 16Sa ganitong paraan pagliwanagin ninyo ang inyong ilawan sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa. Sa gayon ay luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.
Nais ko pong akayin kayo sa isang pagninilay tungkol sa talatang ito ng Bible na pumukaw sa aking atensyon. Bilang naging bahagi ng GOA naituro ni tatay jess kung paano tayo maging isang asin at ilaw ng sanlibutan. Noong kasalukuyang ako ay bahagi ng staff sa GOA hindi masyadong naging malinaw sa akin ang mga talatang ito. marahil dahil hindi ko pinagtutuunan ng pansin o sadyang hindi pumapasok sa pang unawa ko ang kahulugan.Ngayon na nadito ako at malayo saka ko nakita na napakaraming naituro ni tatay jess na talagang kung isasabuhay natin,sa matuwid na landas tayo lalakad.
Napakaraming katangian ng asin at napakaraming gamit sa ating pang araw araw na buhay. Ang asin ay panimpla sa lahat ng lutuin sa kusina,ginagamit din preservatives di lang sa pagkain kundi sa maraming bagay. noong panahong ng mga paraoh isang sangkap ang asin sa paglilibing nila ng mga yumao. ang asin ay pwede ring anti bacteria.kaya kukulangin ang pahinang ito kung ilalahad ang importansya ng asin. Kung kaya sinasabi ng Panginoong Jesus na magsilbi tayong asin ng sanlibutan. Dapat kung may pangangailangan agad tayong nakatimpla.Subalit dapat sa tamang timpla.Dahil kung sumobra aalat at mawawalang ng saysay. At kung ang asin ay di gagamitin ay wala ding kabuluhan. Isang araw umulang ng snow dito sa England.Nagkagulo ang bansa dahil naubusan ng asin na ibubudbod sa kalasada.kaya maraming naaksidente dahil napakadulas ng daan,ako rin ay muntik nang makabangga ng sasakyan mabuti na lamang kumapit ang break ng sasakyan ko. Nakakalikha din pala ng sakuna kung mawawalan ng asin. Subalit tila ang asin ay di pinapansin. Ang asin walang lalagyang maganda.minsan inilalagay lang sa gamit na garapon.minsan nakalagay lang sa isang takip ng lata.minsan nga wala pang sisdlan basta nakatiwangwang lang at nakasabog.Pero hindi sana ganun dahil sa kahalagahan ng asin dapat pinakamagandang sisidlan ang pinaglalagyan nito.Tama kapag naihalo na ang asin nagiging esensya na lamang ito at hindi na nabibigyan ng parangal,may narinig na ba tayong nagsabing oh ang sarap naman ng pagkakaluto dahil sa asin? ako wala pa eh.oh ang galing naman ng asin hindi nasira ang daing o tinapa o tuyo o pindang.wala pa kong narinig na ganun.
Kaya mga bro at sis wala na tayong magagawa di na tayo makakaiwas, sinabi na ng Panginoong Jesus na asin tayo.dapat gampanan natin ang pagiging asin natin.dahil pag hindi,ang sabi nya mainam pang itapon tayo at yurakan ng mga tao.
Tayo din daw ay ilaw ng sanlibutan,kung itatago lang at di hahayaang magliwanag wala ring kabuluhan.Dapat magsilbi tayong liwanag para sa ating kapwa.
Ang hamon sa atin ng Panginoon ay maglingkod kahit sa anong paraan.kahit pagkatapos nating maglingkod at hindi tayo nabigyan ng recognition okay lang.dahil ang gantimpala ay nasa AMANG DIYOS na nakakakita sa lahat nating gawa.
Naaalala ko yung sinabi ni bro jovi mallonga pag nag aapeal kami "MAGBIGAY TAYO HANGGANG MASAKTAN".
No comments:
Post a Comment