TATAY JESS

TATAY  JESS

LIYANG

LIYANG
HELP ME FOLLOW YOU

Wednesday, 17 February 2010

PASTOL NG KAWAN

TINAWAG KITA UPANG MAGING PASTOL NG AKING KAWAN

Isang araw nag iiyakan sa tahanan ni tatay jess dahil hindi sya bumabangon at sa di malamang kadahilanan huminto ang tibok ng kanyang puso.Subalit sa hindi batid ng kanyang pamilya ay may kakaibang nagaganap, ayon sa kanyang pagsasalaysay sa amin siya ay humarap sa isang napakaliwanag na bagay at sinasabing bumalik ka sa Pilipinas at may ipapagawa ako sa iyo. At sa isang iglap ay parang nagdahilan na gumising sya mula sa mahabang pagkakaidlip. At sinabi nya sa kanyang kabiyak na si nanay lucing na uuwi sila ng pilipinas.noon ay nasa amerika sila dahil si tatay jess ay isang mahusay na insurance manager ng isang malaking insurance company.at kumikita ng milyones. Kaya isang napakalaking desisyon yon para sa kanila.Subalit napakalakas ng pagtawag na yon kay tatay jess kung kaya bumalik sila sa pilipinas kasama ng ilan sa kanyang mga anak at nagpaiwan ang ilan sa labingapat nilang anak.
Dahil ilang taon narin silang di nakakauwi sa Pilipinas, kaya ang dinatnan nilang bahay ay halos giray na at ang butas sa bubong ay mas marami kaysa sa mismong bubong nito at kasalukuyang panahon ng tag-ulan sila dumating kaya tanung ng isang anak ni tatay jess paano kung umulan. Sa loob ni tatay jess ay nakikipag- usap sya sa panginoon,"Lord ikaw ang may utos na bumalik ako ng Pilipinas kaya sumunod ako sa 'yo ng walang alinlangan kaya ngayun umaambon-ambon na sana yung mga alikabok sa bubongan gawin mong malagkit na putik para matakpan yung mga butas at ng hindi kami mabasa kapag umulan.At yung mga kisame ibalik mo sa pagkakapako,at nung gabing yun mahimbing silang nakatulog kahit malakas na ang ulan at kumukulog kumikidlat. Kaya lalong naging matibay ang pananalig ni tatay jess upang ipagpatuloy ang kanyang misyon. Isang naging side effect nung mawalan ng tibok ang puso ni tatay jess ay lumabo ng husto ang kanyang mga mata kaya kung wala ang salamin nya na sobrang kapal ay hindi sya makakakita subalit may ipinagkaloob na biyaya sa kanya si Lord na makita ang hindi natin nakikita sa malinaw nating mga mata kaya minsan naaalangan akong humarap kay tatay jess baka kung ano na ang nakikita nya sa akin. Minsan masaya kaming nag aawitan ng praising songs nang biglang lumapit sa amin si tatay at sinabi na huminto kami sa ginagawa namin dahil nakikita nya na nagsasayawan ang mga dyablo kasama namin. Natakot kaming lahat at hindi na namin inulit yon. Marami ding naging pagsubok kay Tatay Jess sa umpisa ng kanyang misyon dahil sinasabi din sa bibliya na mahirap maging propeta sa sariling bayan dahil kilala ka nila sa dati mong buhay tapos eto ka nangangaral tungkol sa Diyos. Para sa mga tao katawatawa yun na nag praise the lord praise the lord ka eh dati pamura mura ka di ba? at alam nila na puro kalokohan ang pinag-gagawa mo kaya ang conclusion nila kung hindi ka namantanda ay naluwagan ka ng turnilyo. Kung kaya maraming sama ng loob muna ang pinagdaanan ni tatay jess bago siya tinanggap ng mga tao.At may nagsasabi pa noon na baka bebentahan lang tayo nyan ng insurance dahil dating ahente yan eh.Ginagamit lang kunwari ang Diyos. Subalit may mga dating kaibigan naman na lubos pa rin ang tiwala kay tatay jess kaya naging malaking bahagi sila sa kanyang misyon. At naumpisahan na nga ang GOSPEL OUTREACH ALIVE sa iilang katao at ang mga sumunod ay isa nang kasaysayan.
May mga paghamon sa atin ang ating AMANG DIYOS sa pamamagitan ni LORD JESUS, pwede ba kitang maging bibig? pwede ba kitang maging kamay,paa,tainga,mata? pwede ba kitang maging mensahero? pwede ba kitang maging manggagamot? pwede ba kitang maging delivery boy?pwede ba kitang utusan? PWEDE BA KITANG MAGING PASTOL NG AKING KAWAN?
Ano kaya ang ating magiging tugon? Tulad ba noong isang tumugon kay LORD Jesus mag aararo po muna ko ng bukid saka ako susunod,ililibing muna po namin ang aming patay,hindi ko po maiiwanan ang karangyaan ng buhay sayang ang mga kayamanan ko,hindi ko po kayang iwanan ang pamilya ko,saka nalang po bata pa ko. Ako po mismo maraming naging hamon sa akin ang Panginoong DIYOS upang maglingkod sa kanya na pinalampas ko.Kaya tuwing maaalala ko yung mga masasayang sandali ko bilang staff ni Tatay Jess may mga panghihinayang akong nararamdaman.Subalit tumugon ako sa isang Vocation bilang isang ama ng tahanan.at sinisikap kong maging isang mabuting ama at asawa. At kung isang araw duamating din yung pagkakataon na muli akong makapaglingkod bilang pastol ng kawan ano kaya ang maitutugon ko???

HERE I AM LORD IF YOU NEED ME......

siya na ang bahala sa huli...

No comments:

Post a Comment

MEMBER'S LODGE kindly post your pictures here